Reading Time: 1 minute
traslacion 2
Penafrancia festival

NAGA CITY- Tumagal ng halos mahigit anim na oras ang ginawang Traslacion Procession sa lungsod ng Naga.

Pasado alas-3 ng hapon nang unang ilabas sa Peñafrancia Shrine ang imahe ni El Divino Rostro na sinundan naman ng imahe ni Nuestra Señora de Peñafrancia na tumagal ng halos tatlong oras bago nakarating sa Metropolitan Cathedral.

Bagamat naramdaman sa lungsod ang mahinang pagyanig, hindi naman ito naging hadlang para sa libo-libong mga deboto na makiisa sa prusisyon.

Ilang mga deboto naman ang isinugod sa ospital matapos magtamo ng mga sugat at mahimatay sa gitna ng prusisyon.

Samantala, kagaya ng mga nakaraang mga taon, muling nakiisa sa Traslacion Procession si Vice President Leni Robredo at ilan pang mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Nabatid na mananatili ng isang linggo sa loob ng Metropolitan Cathedral ang dalawang imahe bago ibalik sa Basilica Minore sa pamamagitan ng Fluvial Procession na idadaan sa Naga River.