CAUAYAN CITY- Naghahanda na rin sa isasagawang traslacion ng replica ng itim na Nazareno sa Ilagan City sa araw ng Huwebes kasabay ng traslacion ng poong Nazareno sa Quiapo, Maynila.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kay G. Peterson Patriarca, tagapagsalita ng City of Ilagan Gay Asscociation (CIGA) ay inaanyayahan niya ang mga de boto sa Lugnsod ng Ilagan na makilahok na rin sa Traslacion ng replica ng itim na Nazareno sa Lungsod ng Ilagan matapos na rin nilang pabasbasan sa Maynila.

Pang-apat na rin anya ngayong taon ang isinasagawang traslacion sa Ilagan City kung saan mahigit 400 ang dumalo sa traslacion noong nakaraang taon at inaasahan nila itong madaragdagan ngayong taon

Ganap na alas kuwatro ng hapon sa araw ng Huwebes ay magsisimula ang traslacion mula sa City Hall ng Ilagan hanggang sa terminal ng isang mall.

Nagtutulungan ang mga kasapi Isabela riders Association, mga kasapi ng CIGA at pamahalaang lunsod ng Ilagan sa paghahanda sa isasagawang Traslacion ng Replica ng itim na Nazareno.

-- Advertisement --