PING LACSON 2 1
Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

Hindi na napigilan pa ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na isisi sa mga corrupt na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang iligal na pagpasok ng mga basura sa bansa.

Ayon sa kanyang tweet, hangga’t may iligal daw na transaksiyon na nagaganap sa loob ng BOC ay hindi na mawawala sa bansa ang ganitong gawain.

Sa kabila ng pag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa Canada ang kanilang mga ipinadalang basura ay patuloy umano ang iligal na pagpasok ng mga kalat mula naman sa Australia, South Korea, at Hong Kong.