-- Advertisements --
Binuksan na ulit ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) ang kanilang transplant activities para mabawasan ang bilang ng mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis.
Nauna nang sinabi ni NKTI executive director Rose Marie Rosete-Liquete na umabot na sa “full capacity” ang kanilang ospital para sa mga COVID-19 cases pero kaya pa rin namang tumanggap ng mga pasyenteng negatibo naman sa naturang virus.
Sa isang panayam, sinabi ni Liquete na nasa 15 hanggang 20 ang bilang ng COVID-19 cases na kanilang tinatanggap kada araw.
Ayon kay Liquete, dinagdagan na nila ang bilang ng kanilang beds para sa mga COVID-19 patients at nasa hiwalay namang ward ang mga transplant patients.