Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na tuloy ang transaksyon sa kanilang tanggapan sa kabila ng pansamantalang lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang lima nilang kawani.

Sinabi ni DOJ Spokesman Usec. Markk Perete, gaya noong ipinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, may mga frontline workers sila na tumatanggap ng mga affidavits at pleadings sa mga naisampang kaso.

Ayon kay Usec. Perete, mayroon din silang mga transaksyon online gaya ng e-inquest o pagsasagawa ng inquest proceedings sa pamamagitan ng online.

Sa ngayon, nagpapatuloy umano ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng limang kawani ng DOJ para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19 sa kanilang hanay.