Boracay
Boracay Island/ FB image

KALIBO, Aklan—Ipinag-utos na ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang total phase out sa mga de-gasolinang tricycle sa isla ng Boracay.

Batay sa ipinalabas na Memorandum Order No. 2019-091, ipinag-utos ni Malay Acting Mayor Frolibar Bautista sa Municipal Transportation Office ang pag-phase out sa tradisyunal na tricycle sa isla simula ngayong araw, Nobyembre 19 hanggang Disyembre 31 ng kasalukuyang taon.

Alinsunod ito sa layunin ng pamahalaan na maging environment-friendly ang transportasyon sa pamosong isla.

Panahon na aniya upang ang mga Electronic tricycle o E-trike ang mamamasada sa nasabing isla.

Sa kasalukuyan, mahigit 500 franchise E-trike ang namamasada sa isla ng Boracay.