Reading Time: 1 minute
Stephanie Grisham
Stephani Grisham

Napili ang top aide ni US First Lady Melania Trump na susunod na White House press secretary at communications director.

Si Stephanie Grisham na naging deputy chief of staff at communications director ng first lady ay papalit kay Sarah Sanders na nagbitiw sa puwesto noong nakaraang mga linggo.

Tinawag naman na “fantastic” ni US President Donald Trump si Ms. Grisham na agad na tinanggap ang trabaho.

Mula pa 2015 ay nagtrabaho na kay Trump si Grisham.

Agad na makakasama si Grisham sa biyahe ng US President sa Japan at Korea ngayong linggo.