-- Advertisements --

Hangad nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na humupa man lang, kahit hindi pa talaga matatapos ang coronavirus pandemic sa bansa.

Pahayag ito ng 34-year-old actress at 33-year-old actor kasunod ng kanilang pagsapubliko sa kanilang engagement nitong weekend, kahit limang buwan na pala mula nang ito ay maganap.

Ayon kay Tom, bago ang marriage proposal sa longtime partner ay sinumpong ang kanyang anxiety kung saan natakot ito para sa magiging future nila lalo sa usaping pinansyal kung magpapatuloy ang pandemya.

Gayunman, napagtanto nito na tila wala madaragdagan at madaragdagan ang COVID cases kaya kahit gaano pa siya maghintay ng tamang timing ay hindi na ito mangyayari.

“It might never come. What is the right time if it’s not something you feel inherently? It’s your intuition [really] will tell you,” saad ni Rodriguez sa panayam ng kinabibilangang TV Network.

-- Advertisement --

Suportado naman aniya siya ng kanyang pamilya, gayundin ng pamilya ni Abellana.

Anim na taon naging magkasintahan ang dalawa at plano ang tradisyunal na church wedding ngayong taon, depende sa magiging sitwasyon sa gitna ng COVID pandemic.

Una rito sa pamamagitan ng Instagram post, kapwa nag-post ang soon to be husband and wife ng litrato nila kung saan naka-focus ang diamond ring na suot ni Carla.

Idinaan ni Tom sa isang love quote mula sa sikat na poet/diplomat/politician na si Pablo Neruda ang nagsilbing caption nito sa naturang picture.

“I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this…” ani Rodriguez.

Sa panig naman ng bride to be, “million times” o paulit-ulit aniya siyang sasagot ng “yes” sa marriage proposal ni Tom.

Kung maaalala, bago kay Rodriguez ay galing si Abellana sa four year relationship kay Geoff Eigenmann na nauwi sa hiwalayan noong 2014.

Nagkakilala naman si Carla at Tom na gumanap bilang “gay husband” nito sa serye noong 2013 na “My Husband’s Lover.”

Si Abellana ay anak ng aktor na si Rey PJ Abellana at apo ng beterana ring artista na si Delia Razon.