Naghahanda na rin ang mga toll operators sa inaasahang pagdagsa ng mga sasakyang babagtas sa expressways kasabay ng pag-obserba ng holy week sa susunod na linggo.
Ayon kay Toll Regulatory Board (TRB) spokesperson Julius Corpuz, inatasan na ng Department of Transportation ang ahensiya na maghanda para sa Holy week.
Aniya, layunin nito na mabigyan ng ligtas, komportable at maayos na paglalakbay ang mga motoristang para sa Semana Santa na magsisiuwian sa mga probinsiya na inaasahang dadaan sa mga tollway.
Ayon pa kay Corpuz, inaasahan ang magiging peka ng bilang ng mga motorista sa Miyerkules Santo.
Maglalagay naman ng karagdagang signages at ambulant tellers, enforcers, patrol officers gayundin ng security guards na idedeploy sa entry at exit points ng expressways.
Para naman maiwasana ng aksidente, sinabi ni Corpuz na maglalagay ng engineering interventions gaya ng barriers para maiwasang mag-counterflow ng mga motorista.