-- Advertisements --

Tuluyan ng ipinagbawalan ng Tokyo Olympics Organizers ang panonood ng mga audience mula sa iba’t-ibang bansa.

Kasunod ito ng ginawang pagpupulong ng mga organizers dahil sa patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng bagong variant ng COVID-19.

Binubuo ng International Olympic Committee (IOC), International Paralympic Committee (IPC), Tokyo Metropolitan Government (TMG), ang organizer ng Tokyo 2020 at ang gobyerno ng Japan ang nagdesisyon sa pagbabawal sa mga manonood mula sa ibang bansa.

Tiniyak naman ng mga organizers na kanilang ibabalik ang mga bayad ng mga nakabili na ng kanilang mga tickets.

Itinakda ang Olympics sa July 23 hanggang Agosto 8 habang ang Paralympics ay mula Agosto 24 hanggang Setyembre 5.

-- Advertisement --