Reading Time: 1 minute
TNT Katropa
TNT KaTropa/ PBA Image

Nakuha ng TNT KaTropa ang unang puwesto matapos panalo laban sa Columbian 109-102 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Naging bida sa panalo ng TNT si Terrence Jones na nagtala ng 39 points, 17 rebounds at pitong rebounds.

Nag-ambag naman si Jayson Castro ng 22 points,anim na assists at dalawang steals.

Dahil sa panalo ay mayroon ng pitong panalo at isang talo ang TNT habang ang Columbian ay mayroong isang panalo at limang talo.

Aminado si TNT coach Bong Ravena na naging mabagal ang kanilang pagsisimula at pinasalamatan din nito ang Columbian dahil nabigyan sila ng matinding laban.