CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang tindero ng kakanin sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Joel Diana,50 anyos,may asawa at residente ng Brgy Calawag Pikit North Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police,Major Mautin Pangandigan na habang lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Brgy Poblacion Pikit Cotabato pauwi na sana sa kanyang tahanan ng bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Naisugod pa ang biktima nang mga nagrespondeng pulis sa Cruzado Medical Hospital ngunit binawian rin ito ng buhay nang magtamo ng apat na tama ng bala sa kanyang katawan.

Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.