Reading Time: 1 minute
tiger woods golf
Golf legend Tiger Woods champ again (photo from @TigerWoods)

Kampeon muli ang golf legend na si Tiger Woods sa 2019 Masters.

Ito na ang unang pagkakakuha niya sa Masters matapos ang 11 taon mula noong una niyang masungkit ang prestihiyosong titulo, taong 2005.

Maituturing ito ng 43-anyos na si Woods na ika-15 niyang major title matapos ang kaniyang pagbabalik.

Magugunitang noong 2017 ay sumailalim siya sa spine fusion surgery.

Nagbalik na rin siya sa pagiging world’s number one.

Kung tutuusin tatlong Major’s na lamang ay papantayan na niya ang isa pag golf icon na si Jack Nicklaus.

“I can’t thank my family, friends and fans enough for their support. Having my family by my side today is something I will never forget. To not only be able to play again, but to be able to win again, is something I will forever be grateful for. This jacket sure is comfortable,” ani Woods sa kanyang statement.

Labis naman ang kasiyahan ng kaniyang kasintahang si Erica Herman, ang kaniyang ina na si Kultida at dalawang anak na si Sam at Charlie na nanood din ng personal sa laban dahil sa tagumpay ng American golf legend.