Starlux flight
Starlux flight/ IG post

Mabilis na naubos ang airline ticket sa unang flights ng Starlux Airlines.

Ito na ang kauna-unahang luxury boutique airline ng Taiwan na magsisimula ang flights sa Enero 2020.

Mula noong ianunsiyo ang pagbebenta ng plane tickets ng unang tatlong flight ay mabilis na itong naubos sa loob lamang ng 11 minutes.

Ang nasabing airline company ay siyang itinuturing na bagong player sa loob ng 30 taon.

Itinaguyod ni Chang Kuo-wei ang nasabing airlines company.

Magugunitang pinalitan ni Chang ang pumanaw nitong ama na si Chang Yung-Fa ang founder ng Evergreen Group at EVA Airways.

Mula noong 2013 ay naging chairman ang 49-anyos na si Chang.

Pagkatpos ng ilang buwan ay inanunsiyo nito ang pagpapatayo ng sariling airline company.