Nanguna si Russell Westbrook sa Oklahoma City Thunder sa pamamagitan ng kanyang panibagong triple double performance upang idispatsa ang Utah Jazz, 100-94.

Nagawang makabangon ng Thunder mula sa 17 points deficit sa second half para itala ang kanilang ika-11 panalo mula sa 12 talo.

Kinailangan ni Westbrook na kumayod ng husto kung saan kumamada siya ng 34 points, 14 assists at 13 rebounds.

Tumulong din si Paul George na may 21 points at si Carmelo Anthony na nagdagdag ng 14 points para sa kanilang ikatlong sunod-sunod na panalo.

Sa panig ng Jazz namayagpag naman ang rookie na si Donovan Mitchell na tumipon ng 31 points.

-- Advertisement --

Bago ang nasabing laro hawak ng Utah ang anim na sunod na panalo at score na 106 points per game.

Ang next game ng Thunder ay laban sa Brooklyn sa Biyernes.