Nakapagtala ng panibagong record ang Pinoy singer na si Marcelito Pomoy.

Kinilala kasi ang kanyang performance bilang YouTube video of the year sa Pilipinas kaugnay ng kanyang bersiyon sa “The Prayer.”

Ang nasabing awitin ay kaniyang kinanta sa “America’s Got Talent” noong nakaraang taon.

marcelito pomoy
Marcelito Pomoy

Sa nasabing video ay hinangaan si Pomoy dahil sa pag-iiba nito ng mga boses.

Ginaya niya ang orihinal na kumanta na sina Celine Dion at si Andrea Bocelli.

Sinasabing umaabot na sa 45 million views ang nasabing music video.

Sumunod naman sa kaniya ang tatlong video ni Ivana Alawi na collaboration kay Alex Gonzaga at sa broadcaster na si Raffy Tulfo.

Habang nasa pang-limang puwesto ang video ng pumanaw na si Lloyd Cadena at si Emman Nimendez na nasa pang-anim na puwesto sa paramihan ng mga views.