Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino ng Boracay Inter-agency Task Force ng isa pang taon.

Sa ilalim ng Executive Order No. 115, simula May 8, 2020 extended na ito hanggang May 8, 2021.

Sinabi ni Pangulong Duterte, ito ay dahil 33 porsyento ng mga establisimyento sa isla ng Boracay ay hindi pa rin compliant sa 25-meter plus 5-meter beach easement o ‘yung no-build zone standard.

Habang 27 porsyento ng mga establisimyento doon ay hindi pa rin nakakasunod sa road easement.

Nakasaad rin sa kautusan na 30 araw bago mapaso ang termino ng task force, kailangan nilang maglathala ng accomplishment report kaugnay ss Boracay Action Plan kung saan kabilang ang plano at programang ipinatupad at ang budget na nagamit.

Pirmado ni Pangulong Duterte ang kautusan noong Mayo 11.