Ilang telco networks sa bansa sa pagpaalala sa publiko hinggil sa isang scam na gumagamit sa pangalan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para makahuthot ng pera.

Nitong araw nang magpadala ang Globe at Touch Mobile ng mensahe sa mga subscribers nito ng advisory bilang babala sa mga kumakalat na text na nagsasabing humihingi ng donasyon para kay Cardinal Tagle.

“Huwag pong maniwala sa text na nanghihingi ng donasyon para kay Cardinal Luis Antonio Tagle. Ito po ay isang SCAM.”

Nilinaw ng telco companies na modus mula sa isang pekeng donation drive ang kumakalat na text message.

Natakdang tumulak patungong Vatican City sa Cardinal Tagle sa Pebrero para sa kanyang bagong tungkulin bilang prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.

-- Advertisement --