Reading Time: 2 minutes
DICT
IMAGE | Former DICT Acting Sec. Eliseo Rio Jr.

Tiwala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga hakbang ng sektor nito na planong tumugon sa issue ng matinding traffic sa Metro Manila at malalaking siyudad sa bansa.

Sa pagbubukas ng Pre-State of the Nation Address (SONA) Forum nitong Lunes sinabi ni former Acting Sec. Eliseo Rio Jr. na may mga plano na ring inilalatag ang kagawaran para ma-decongest ang mga siyudad at pangunahing kalsada.

“We are convincing the telcos to come up with an application so that people don’t have to travel (and) they can transact business online. We have about how many thousands of small meetings in Metro Manila. If people don’t have to go in to small meetings, that will reduce cars in our roads by about a hundred thousand a day of vehicles in our roads,” ani Rio.

Ayon sa Japan International Cooperation Agency (JICA) nasa P3.2-bilyon ang nalulugi sa bulsa ng mga Pilipino kada araw dahil sa traffic.

Kaya kung papasok daw sa eksena ang malalaking telco, ani Rio, ay makakatulong ito para matugunan ang issue.

Bukod dito puspusan na rin umano ang pagplantsa ng pamahalaan sa operasyon ng ikatlong telco service provider para mas maging epektibo ang implementasyon ng Telecommuting Act. Magbibigay kasi ito ng option sa mga Pilipinong magtrabaho na lang mula sa kanilang mga bahay.

Kamakailan nang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kayang paikliin ng hanggang limang minuto ang biyahe ng mga motorista sa EDSA mula Cubao patungong Makati City.

Sinang-ayunan naman ito ng Public Works Sec. Mark Villar dahil sa ilang proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program ng pamahalaan.