-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Justice na kinakailangan umanong mag-deploy ng mga ‘technical divers’ upang matukoy kung tunay na inilibing sa Taal lake ang 34 nawawalang mga sabungero.

Ayon sa isang pahayag ng kasalukuyang kalihim ng kagawaran na si Secretary Jesus Crispin Remulla, kanyang sinabi na maaring kailanganin pa ng mga technical divers sa paghahanap ng mga labi.

Ito ay para makumpirma ang isinawalat ng isang akusado na nagpakilala bilang alyas ‘Totoy’ sa inihayag nitong inilibing ang hindi pa natatagpuang mga sabungero sa Taal Lake ng Batangas.

Kaya’t dahil dito ay nais umano ng Department of Justice na ito’y matukoy sapagkat paliwanag ni Secretary of Justice Remulla na responsibilidad ito ng pamahalaan.

Patuloy pa raw ang pagkalap ng impormasyon ng kagawaran sa case buildup kasabay ng pag-amin na mahirap magsalang ng isang kaso ng hindi pa buo o katiyakan.

Ibinahagi din ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na bukas ang kagawaran sa kung sinuman makapagbibigay ng impormasyon na makakatulong upang maresolba ang kaso.