Posibleng makagawa ng record sa kasaysayan ng PBA ang beteranong player na si Asi Taulava.

Inaasahan kasi na ire-renew ni NLEX coach Yeng Guiao ang kaniyang kontra ng hanggang isang taon para sa bagong season ng PBA.

Kapag nangyari ito ay magiging kauna-unahang PBA player ang Filipino-Tongan na makakapaglaro ng apat na dekada.

Magiging pangalawa rin si Taulava sa pinakamatandang manlalaro sa edad na 46 na maglalaro sa PBA na ang una ay si PBA legend Robert Jaworski na sa edad 51, ay naglaro pa ito.

Taong 1999 ng pumasok sa PBA si Taulava at tinanghal bilang Most Valuable Player noong 2003.