Target ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mapataas pa ang produksyon ng bangus sa buong bansa ng hanggang sa anim na porsyento.
Ayon kay BFAR Central Luzon Director Wilfredo Cruz, kakayaning maabot ito sa pamamagitan ng 413,000 metric tons na production o katumbas ng 2.6Billion fingerlings o siyam na bilyong bangus fry.
Maliban dito, kakailanganin din ng BFAR ang hanggang sa 29,700 breeders na bangus, para maabot ang ganitong karaming production.
Ang 6% na pagtaas sa produksyon ng bangus ay target sa loob ng limang magkakasunod na taon, para sa buong bansa.
Ibig sabihin, kung makakapag-ani ng mahigit 413,000 metric tons ng bangus ang buong bansa ngayong 2013, dapat ay mahigit sa 438,000 metric tons ang maaani sa 2014.
Nasa 464,000 metric tons naman ang projection npara sa 2025, mahigit 492,000 metric tons sa 2026, habang mahigit 522,000 metric tons na sa 2027.
Samantala, batay sa datus na inilabas ng Philippine Statistics Authority(PSA), tumaas ang production ng bangus sa bansa nitong unang quarter ng 2023 ng hanggang sa 66%.
Umabot kasi sa 62,570.48 metric tons (MT) ang production ngayong taon habang nasa 58,696.47 MT ang naging production noong unang quarter ng 2022.