Masayang nagpasalamat ang Hollywood actor na si Ryan Reynolds matapos na natulungan ang Pinay na nakabase sa Canada na nawalan ng teddy bear.

Ngunit kung para sa iba ay simpleng stuff toy lamang ang ito, mayroon pala itong sentimental value.

Taglay kasi nito ang voice recording ng kanyang namatay na ina na nagsasabing “I love you I’m proud of you, I’ll always be with you.”

Ryan Reynolds 2

Nasa $5,000 reward ang inalok ng 43-year-old actor, maliban pa sa ibang celebrities, para maibalik sa Pinay na nagngangalang Mara Soriano ang kanyang mahalagang stuff toy.

Noong nakaraang linggo nang manakaw ang kanyang bagpack kasama ang naturang bear sa gitna ng pagiging abala sa paglilipat ng bahay sa Canada, kasama ang fiance.