Ipagbabawal na ng Taiwan ang pagpasok ng mga turista na galing sa Wuhan, China.

Ayon sa Mainland Affairs Council, na ang nasabing paraan ay para maiwasan ang pagpasok ng bagong coronavirus mula sa China.

Sakop nito ang business at vacation travel kabilang ang indibiwal o group tour.

Kinansela na rin nila ang mga Chinese travelers na nakakuha na ng permission para bumisita sa isla.