Taiwan F16
-- Advertisements --

Ipinakita ng Taiwan ang kanilang mga bagong F-16 fighter jet.

Pinangunahan ni Taiwan President Tsai Ing-wen ang pag-komisyon ng nasabing mga fighter jets sa air base ng Chiayi City.

Dumalo rin sa okasyon si Sandra Oudkirk ang US de facto ambassador to Taiwan.

Sinabi ni Tsai na ang nasabing mga eroplano ay isang bahagi na naipangako ng US sa kanila.

Malaking tulong ito para maipagtanggol ang kanilang sarilng bansa sa pananakop ng China.

-- Advertisement --