Taguig Mayor Lino people masks COVID
-- Advertisements --

foodtaguig1

Agad na ipinag-utos ng pamahalaang lokal ng Taguig ang pamamahagi ng ayuda para sa mga benepisyaryo.

Ito’y matapos natanggap na kahapon, April 5, ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang emergency assistance mula sa national government.

Layon ng emergency assistance na magbigay ng ayuda sa mga residenteng apektado ng kasalukuyang implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus Bubble.

Ipinag-utos ni Mayor Lino Cayetano ang agarang pag proseso at paggawa ng listahan ng mga benipisyaryo na makakatanggap na ayudad.

-- Advertisement --

Batay sa Joint Memorandum Circular No. 1, Series of 2021 na nilabas ng DILG, DSWD at DND, ang pamahalaang lokal ay magbibigay ng ayuda sa mga sumusunod na indibidwal batay sa nakatakdang prayoridad:

  1. Beneficiaries ng Social Amelioration Program sa ilalim ng Bayanihan Act 1 at karagdagang beneficiaries ng emergency subsidy batay sa Section 4, (f) 3 ng Bayanihan Act 2;
  2. SAP wait-listed beneficiaries;
  3. Mga kabilang sa vulnerable groups kagaya ng mga low-income individuals na walang kasama, PWDs, solo parents at iba pa;
  4. Iba pang indibidwal na apektado ng ECQ na matutukoy ng LGU kung meron pang natitirang pondo.

Siniguro ni Cayetano na magsisimula ang pamimigay ng ayuda ngayong Miyerkules, April 7.


Kung maalala noong nakaraang taon, naglabas ang pamahalaang lokal na pondo na kanilang tinawag na Taguig Amelioration Program (TAP) na financial assistance na nagkakahalaga ng P4,000 para sa lahat ng hindi nakatanggap ng SAP at apat na rounds ng stay-at-home food packs.

Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng lungsod sa national government para mas mapaigting ang tulong sa mga nangangailangan.

Samantala, siniguro naman ni Mayor Cayetano na tuloy ang pamamahagi ng 3-day stay-at-home food packs at hygiene kits ng siyudad sa bawat pamilyang TaguigeƱo.


Nagsimula ang pamimigay noong unang araw ng ECQ, Marso 29.