taal volcano phreatic eruption january 11 2020
Courtesy of Phivolcs

Ipinag-utos na sa ngayon ng Batangas provincial disaster management ang preemptive evacuation sa mga residente malapit sa Taal Volcano.

Ito ay matapos na itaas ang alert status ng Taal sa Alert Level 2 kasunod ng naitalang phreatic eruption nitong hapon lamang.

Nabatid na umabot sa 100 metro ang taas ng abo na ibinuga ng bulkan.

Kaya naman ay nagsimula nang lumikas ang mga residente ng munisipalidad ng San Nicolas, Balete at Talisay sa Batangas.

Ayon sa Phivolcs, ang pagbuga ng abo ng Taal ay bunsod ng hydro-thermal activities sa naturang bulkan.

-- Advertisement --

Magmula anila noong Marso 28, 2019 ay naobserbahan na ang “moderate to high level of seismic activity” ng Taal.

Dahil dito, muling ipinaalala ng Phivolcs sa publiko ang pagbabawal sa paglapit sa Main Crater ng Taal dahil sa steam explosions na maaring mangyari.