Mataas pa rin ang porsyento ng mga Pilipino na patuloy na nakararamdam ng stress dahil sa COVID-19 pandemic, base sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS).
Sa National Mobile Phone survey noong Hulyo 3 hanggang 6, 86% ng mga Pilipino ang nakararanas ng stress dulot ng deadly virus. 14 percent naman ang nagsabing hindi sila masyadong na-stress o kaya naman ay nakaramdam ng stress sa gitna ng health crisis.
Mas mababa ito kumpara sa 89 percent na naitala ng ahensya noong Mayo.
Nabatid din sa parehong survey na mayroong 20.9 percent ng mga Pinoy ang nakararanas ng gutom habang 79.1 naman ang nakakakain pa rin ng tatlong beses sa isang araw.
Kaugnay nito, 62 percent ng pamilyang Pilipino ang nakararanas ng stress at 48 percent naman ang hindi.
Mas mababa rin ito kumpara sa datos na naitala noong May 2020 na 55 percent.
Hindi naman makakaila ng ahensya na madami ring Pilipino ang namomroblema lalo na ang mga nawalan ng trabaho dahil sa mga nagsarang kumpanya.
52.8 percent kasi ng mga nawalan ng trabaho ang stressed dahil sa kasalukuyang lagay ng kanilang buhay.
Naitala sa Metro Manila at Visayas ang 56 percent ng mga Pinoy na stressed sa kanilang buhay ngayong may pandemya at 46 percent naman ay nanggaling sa Mindanao.
Isinagawa ang naturang survey sa 1,555 Pinoys na may edad 18 pataas kung saan binubuo ito ng 306 mula National Capital Region (NCR), 451 sa ibang parte ng Luzon, 388 sa Visayas at 410 katao sa Mindanao.