Agad pinabalik ng Bureau of Immigration (BI) officers na nakatoka sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kanilang point of origin ang isang Swedish national na sinasabing terorista kabilang ang kanyang tatlong kasamahan.

Ayon kay BI port operations division chief Grifton Medina nahuli ang mga suspek sa NAIA Terminal 1 galing Singapore pero tumanggi muna itong pangalanan ang mga suspek dahil sa isyu sa seguridad.

Agad umanong ibinukod ang mga suspek matapos lumabas sa kanilang data base na positive hit ang mga ito bilang international terrorist.

Lumalabas na ang mga suspected terrorist ay mula Iraq partikular sa Kurdistan region na ilang dekada nang nakikipaglaban para sa independent Kurdish state.