ILOILO CITY – Hinihintay pa ng Local Government Unit ng Igbaras, Iloilo ang swab test results ng mahigit sa 100 katao na umano’y nakasalamuha ng isang municipal councilor na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor James Esmeralda, sinabi nito na kabilang sa unang batch na isinailalim sa COVID-19 test ay ang pamilya ng pasyente na kasalukuyang naka home quarantine.

Maliban dito, may ikalawang batch pa umano na nakatakdang isailalim sa COVID-19 test matapos nagkaroon ng mechanical problem ang Western Visayas Medical Center na siyang COVID-19 hospital sa Western Visayas.

Sa ngayon, suspendido ang trabaho sa munisipyo ng Igbaras upang masiguro na hindi na madagdagan ang COVID-19 positive sa nasabing bayan.