Inanunsiyo ng British foreign ministry na itinalaga ang diplomat na si Corin Robertson bilang susunod na ambassador ng bansa sa Japan, kapalit ni Julia Longbottom na magreretiro na sa Diplomatic Service.
Nagbigay ng mensahe si Robertson sa isang online post na inaasam niya ang pagbabalik sa Japan bilang ambassador, at aniya, magsasagawa siya ng tapat na pagsisikap upang higit pang mapaunlad at mapagtibay ang relasyon ng dalawang bansa.
Matatandaang pumasok si Robertson sa foreign ministry noong 1994, sumailalim sa pagsasanay sa wikang Hapon, at nagsilbi bilang second secretary sa British Embassy sa Tokyo mula taong 1997 hanggang 2000.
Nagsilbi rin siya bilang British ambassador to Mexico noong 2018 hanggang 2021 at naging director-general for finance and corporate sa naturang ministro noong 2023 hanggang 2025.
Nakatakdang umupo si Robertson sa kanyang posisyon sa Agosto ngayong taon.










