Reading Time: 1 minute

Pinaiimbestigahan sa Kamara ang pagpapasara sa lahat ng outlets ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakailan dahil sa umano’y malakwang korapsyon.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni House Minority Leader Bienvenido Abante na inihain na niya ang House Resolution 141.

Dito inaatasan ni Abante ang House committee on games and amusement na manghimasok na sa usapin na ito in aid of legislation.

Samantala, sinita naman din ng kongresista ang PCSO dahil sa kabiguan nitong makapagsumite ng kanilang taunang report sa Kongreso hinggil sa kanilang mga aktibidad.