Mariing pinabulaanan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) executive director Samuel Jardin ang alegasyon na ito ay tumanggap ng suhol.

Sinabi nito na walang katotohanan ang nasabing alegasyon na tumanggap ito ng P4-milyon na suhol.

Balak nitong magsampa ng kaso sa nagreklamo sa kaniya na si Michelle Sapangila.

Magugunitang sinuspendi ng 90 araw si Jardin matapos na ireklamo ni Sapangila na sinasabing pinaghatian ni Jardin at LTFRB Chairman Martin Delgra III ang nasabing pera.