Naglabas ng bagong direktiba ang Securities and Exchange Commission (SEC) para sa pagtanggap ng applications ukol sa revival ng expired corporations.

Batay sa kanilang guidelines, papayagan na ma-revive ang expired at suspended corporations sa ilalim ng ilang konsiderasyon.

Kailangan lamang na patunayang nakasunod na ang kompaniya sa mga obligasyon, mula sa mga dokumento hanggang sa pagbabayad ng multa.

Samantala, binigyang diin naman ng SEC na nananatiling revoked ang registration ng KAPA at ng iba pang korporasyon na natuklasang sangkot sa iligal na aktibidad.

Kasama na rito ang mga investment group na walang sapat na permit to operate at ang mga nagtatago sa ibang pangalan matapos maipasara dahil sa ilang violations.