CENTRAL MINDANAO-Naaresto ng mga otoridad sa syudad ng Cotabato ang isang suspek sa SAF-44 Massacre sa Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si Tamano Esmail Sabpa,myembro umano ng MILF at residente ng Brgy Tukanalipao Mamasapano Maguindanao.

Nahuli si Sabpa ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-BARMM) sa pamumuno ni Police Colonel James Gulmatico.

Ang suspek ay kabilang umano sa naka-engkwentro ng mga tauhan ng PNP Special Action Force sa Barangay Tukanalipao Mamasapano Maguindanao noong Enero 25, 2015.

Matatandaan na nagsagawa ng operasyon ang PNP-SAF laban sa Malaysian Terrorist na si Marwan at mga galamay nito.

-- Advertisement --

Napatay ng PNP-SAF si Marwan ngunit habang papalabas sila sa kuta ng mga terorista ay naka-engkwentro nila ang pinagsanib na pwersa ng MILF,BIFF at mga armadong sibilyan.

Walang inirekomendang bailbond ang korte sa naarestong suspek na ngayon ay hawak ng CIDG-BARMM sa Cotabato City.