BUTUAN CITY – Nagpapatuloy ang manhunt operation ng mga personahe ng Bislig City Police Station laban sa suspect na itinurong gumahasa sa isang 10-anyos na batang babae sa Brgy Mangagoy, Bislig City, Surigao del Sur.

Bukod kasi sa ginahasa ang biktima, hinampas din ang ulo nito sa semento.

Sa ngayo’y patuloy na nagtatago ang suspek na si Robert Licung alyas Kulili, residente ng nasabing lugar, matapos mahuli ng lolo ng biktima nang isinagawa ang kremin.

Kaagad namang nagsagawa ng checkpoint ang Bislig City Police Station at nag-deploy ng team upang maimbestigahan ang insident.

Samantala ang Intelligence operatives, na syang nagsisilbing tracker team, ay nakipag-ugnayan na sa intelligence community upang matunton ang kinalalagyan ng suspek.

Ayon kay Brigadier General Joselito Esquivel Jr., pinakikilos na niya ang ang lahat ng kanilang mga assets at resources upang mahuli ang suspek upang sa gayon ay masampahan na rin ito ng karampatang kaso.