Pinayuhan ng korte sa New Zealand na sumailalim sa mental health test ang suspek sa pamamaril ng 50 katao sa dalawang mosque sa Christchurch noong nakaraang buwan.

Sinabi ni Judge Cameron Mander, na nais nilang malaman kung ang Australian na si Brenton Tarrant ay nasa tamang katinuan kapag isasagawa ang pagdinig sa kaso nito.

Nahaharap ito sa 50 murder charges at 39 attempted murder charges.

Hindi rin ito pinayagan ng korte na magpasok ng guilty plea.