LAOAG CITY – Nahuli na ang suspek at haharap sa kasong murder na nasa likod sa natagpuang bangkay na tadtad ng sugat sa katawan sa Barangay Zamboanga dito sa lungsod ng Laoag dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Ayon kay P/Lt.Col. Ryan Retotar, Chief of Police ng Laoag City Police Station, kinilala ang biktima na si Jason Ramos, 36 na anyos, may asawa, trabahador at residente sa nasabing barangay.
Batay aniya sa kanilang imbestigasyon, ginawa ng suspek ang krimen dahil sa naunang alitan sa biktima sa kanilang trabaho.
Paliwanag niya na nag-iinuman ang suspek at ang saksi nang dumating ang biktima at hindi nagtagal ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng biktima at suspek hanggang sa mag-away nga mga ito.
Batay sa postmortem examination, may mga sugat sa mukha, leeg, dibdib, likod at tiyan ang biktima.
Idinagdag niya na ang sanhi ng kamatayan ay dahil sa pambubugbog.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Laoag City Police Station ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya
















