kyoto animation suspect
Japanese police have arrested Shinji Aoba, the man suspected of the arson attack on Kyoyo Animation last July.

Inaresto ng mga otoridad sa Japan ang suspek sa likod nang pagka-sunog ng Kyoto Animation studio noong Hulyo nang nakaraang taon.

Maraming anime fans sa buong mundo ang nalungkot dahil sa nangyaring insidente.

Nahuli ang suspek sa isang ospital kung saan ito nagpapagamot ng mga natamong sugat at sunog sa kaniyang buong katawan.

Kinilala ito bilang si Aoba Shinji, 42-anyos, na hinihinalang nasa likod ng sunog sa nasabing studio noong Hulyo 18.

Namatay sa sunog ang 36 katao habang 33 naman ang sugatan. Lahat ng mga biktima ay empleyado ng Kyoto Animation.

Kaagad din namang umamin sa Aoba sa mga alegasyon laban dito. Kwento nito na nagtungo siya ng Tokyo mula sa kaniyang tahanan sa Saitama tatlong araw bago isagawa ang pag-atake.

Nagawa umano nito ang arson dahil ninakaw daw ng kumpanya ang kaniyang isinulat na nobela.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad ay nabatid na sumali sa contest ang suspek kung saan nagpadala ito ng dalawang novel sa Kyoto Animation ngunit sa kasawiam-palad ay hindi ito natanggap ayon sa kumpanya.

Hindi kaagad naaresto ng mga pulis si Aoba dahil hanggang ngayon ay nagpapagaling pa ito mula sa mga natamong sugat at dahil na rin sa coronavirus outbreak.