Kinumpirma ng PNP Crime Laboratory na isang babae ang nasa likod ng pang-aatake sa military checkpoint sa Indanan, Sulu noong Setyembre 8.

Sinabi ni PNP Crime Lab deputy director Col. Elimer Catabay, na sa kabuuang 20 specimen na nakuha sa crime scene, 13 dito ay tumutugma sa DNA profile ng isang babae habang pito naman ay mayroong partial DNA profile.

Isinumite na rin nila sa DNA laboratory nila sa Davao ang may 20 tissue samples.

Aminado naman ang PNP Crime lab na hirap silang matukoy kung ito ay isang dayuhan o Filipino.

Hanggang sa kasalukuyan aniya ay wala pang lumalapit sa kanila para kilalanin ang nasabing suspek.