Reading Time: 1 minute

Arestado na ang security guard na suspek sa pagpatay sa isang 15-anyos na Grade 7 student sa eskwelahan sa Calamba City, Laguna.

Ayon kay Laguna Police Provincial Director, P/Col. Eleazar Matta, nadakip si Renando Valderama dakong alas-4:00 ng umaga kanina sa Barangay Bucal.

Na-recover na rin aniya ‘yung baril na revolver na ginamit ng suspek sa krimen, maliban pa sa mga patalim.

Nadakip si Valderama sa tulong ng nakuha nilang tip mula sa isang concerned citizen.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na raw ng Calamba City Police ang suspek.

Maaalalang nasa loob ng isa sa mga silid-aralan sa Masili National High School ang biktimang si Mark Anthony Miranda nang barilin ito ng suspek dakog alas-12:30 ng hapon.

Naglaan din ng P100,000 ang Laguna Provincial Government para sa ikadarakip ni Valderama, na sinasabing karelasyon at guardian ni Miranda.