Kumbinsido si PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa na “accurate” o tama ang inilabas na survey ng Pulse Asia kung saan mas marami sa mga Pinoy ngayon ang nakakaramdam na mas ligtas sila kumpara sa nakalipas na taon

Ayon kay Gen. Bato, ang taongbayan talaga ang makakapagsabi kung matagumpay ang PNP sa kampanya laban sa iligal na droga at kriminalidad.

Giit ng PNP chief, wala siyang pakialam sa mga komento at kritisismo na ibinabato ng European Union at maging ng US sa war on drugs ng PNP at ng pamahalaang Duterte.

Para sa kanya, ang importante raw ang sinasabi ng taongbayan at hindi ng sinuman.

Una rito sa inilabas na survey, nasa 81 percent umano ng mga Pinoy sa buong bansa ang nagsabi na nararamdaman nila na mas ligtas sila ngayon kumpara noong isang taon dahil na rin sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.