Nakaranas ng limang pagyanig ang Surigao del Norte kaninang madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mayroong 3.9 hanggang 5 magnitude ang magkakasunod na naramdaman.

Unang naramdaman ito 2:43 a.m. na may magnitude 3.9 at sinundan ng magnitude 4.6 na lindol dakong 3:11 a.m.

Naranasan ang pangatlong pagyanig dakong 4:08 a.m. na may magnitude 4.6 matapos ang 20 minuto ay naramdaman ang magnitude 5 na lindol.

Huling pagyanig ay naranasan ang 4.5 magnitude na lindol sa nasabing probinsya.

-- Advertisement --