Tiniyak ng supreme leader ng Iran na sila ay gaganti sa sinumang pumatay sa kanlang top military commander na si Qasem Soleimani.

Ayon kay Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei, na hindi nila palalampasin ang nasabing pangyayari.

Inanunsiyo nito ang three-days of national mourning dahil sa pagkapatay kay Soleimani.

Magugunitang napatay ng US sa Baghdad airport si Soleimani para unahan ito sa plano nitong pag-aatake sa rehiyon.