-- Advertisements --

Nagtungo sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila ang ilang mga supporters ni Sen. Christopher “Bong” Go.

Ito ay matapos na sabihin kahapon ni Go na siya ay aatras na sa presidential race para sa 2022 national elections dahil magkasalungat aniya ang nais ng kanyang puso at isipan.

Nagpunta sa harap ng Palacio del Gobernador ang mga tagasuporta ni Go para himukin ang sendor na ituloy na lamang ang pagtakbo nito sa pagkapangulo.

Umaasa sila na pakikinggan ni Go ang anila’y apela ng taumbayan na ituloy ang pagtakbo sa halalan sa susunod na taon.

Pero anuman ang magiging desisyon sa huli ng naturang senador ay kanila naman daw ito igagalang.

Kahapon sinabi ng Comelec na kailangan personal na magtungo sa kanilang tanggapan ng sinumang maghahain ng withdrawal ng kanilang certificate of candidacy.