-- Advertisements --

Nagtungo sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila ang ilang miyembro ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

Ito ay para ipakita ang kanilang suporta para sa kanilang standardbearer na si Sen. Chistopher “Bong” Go, na kamakailan lang ay nag-anunsyong hindi na tutuloy sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Ayon sa ilang miyembro ng partido ang nagsabi na sila ay pumunta sa harapan ng Palacio del Gobernador para iparating kay Go ang kanilang apela na huwag na nitong ituloy ang planong pag-withdraw sa kanyang certificate of candidacy sa pagkapangulo sa 2022 polls.

Nauna nang sinabi ng Comelec na sinumang nais na umatras sa halalan ay kailangan na personal na magtungo sa tanggapan ng poll body para bawiin ang kandidatura nito.

Kahapon ay nagtungo rin sa harapan ng tanggapan ng Comelec ang ilan pang supporters ng senador para hilingin din na ituloy na lang ang pagtakbo nito sa 2022 polls.