-- Advertisements --
Sapat ang supply ng tubig para sa Metro Manila hanggang sa summer sa susunod na taon matapos na bumuhos ng maraming tubig-ulan ang Super Typhoon Rolly sa malaking bahagi ng Luzon sa mga nakalipas na araw.
Ang Angat Dam, na siyang pangunahing source ng tubig sa rehiyon, ay 202 meters ang taas ngayong araw ng Martes.
Ayon kay National Water Resources Board executive director Sevillo David Jr., kaunti na lang ay maabot na ang normal high water level na 210 meters.
Inaasahan nina David na aabot ng 212-meter level ang tubig sa Angat Dam bago pa man matapos ang taon dahil sa La NiƱa phenomenon, na magdudulot ng mga pag-ulan.