-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Energy sa publiko na sapat ang supply ng langis sa Metro Manila ngayong nakasailalim sa “community quarantine” ang buong rehiyon.

Dagdag pa ni Energy Sec. Alfonso Cusi, makakaasa rin ang mga residente sa loob ng National Capital Region na tuloy-tuloy ang pasok ng oil supply hanggang April 14, 2020.

“During the most challenging time, it is imperative to ensure the continued supply of fuel products, especially in areas under quarantine. Having sufficient petroleum supply is vital, making it a critical concern amid this crisis,” ahi Cusi sa isang statement.

“The entire energy family is working 24/7 to make sure that energy services remain unimpeded.”

Batay sa assessment ng Energy department, may tinatayang 2.7-billion liters ng krudo at iba pang oil products noong February 29.

Sapat daw ito para tugunan ang 45-araw na supply sa NCR.

“It should also be noted that this 45-days worth of fuel supply is above the Minimum Inventory Requirement being observed by the oil industry.”

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DOE sa mga stakeholders nito para masigurong hindi maantala ang pagpasok ng fuel supply sa mga apektadong retail outlets sa Metro Manila.

Hiningan na rin daw ng ahensya ang mga kompanya ng status report sa supply ng mga depot sa rehiyon.

“Oil companies are also encouraged to report any issues on domestic distribution, as well as any act of hoarding to the Department.”