Inanunsiyo ng supermodel na si Joan Smalls na kaniyang ilalan sa Black Live Matter organization ang kalahati ng kaniyang sahod.

Ayon sa 31-anyos na Puerto Rican model, na ang nasabing hakbang ay makakatulong para matigil na ang isyu ng racial discrimination.

Hindi rin nito ikinaila na sa kanilang fashion at modeling industries ay nagkakaroon rin ng discriminations.

Hinkayat din nito ang kaniyang mga kapwa models na gayahin din ang kaniyang ginawa.

Kilala bilang “Black and Latina woman” na naging matagumpay sa modeling career ng ilang dekada.

Mula pa aniya noon ay lumalaban na siya sa racism.