Isasabak ng Los Angeles Lakers bilang kanilang pambato sa gaganaping
2020 Slam Dunk Contest on All-Star Weekend ang beteranong si Dwight Howard.

Inanunsyo nitong araw ng Lakers ang partisipasyon ni Howard na dating nang nagkampeon noon pang taong 2009 noon bahagi pa ito ng Orlando Magic.

Si Howard na binansagang “Superman” ay 34-anyos na ay tiyak na makakaharap ang mas batang mga manlalaro ng NBA.

Ang 2020 All-Star Weekend ay gagawin sa Pebreo 14 hanggang 16.